Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidente sa may Quirino Avenue, Quezon City kagabi.
Isang jeep ang tumagilid matapos iwasan ang isang vendor na biglang tumawid sa kalsada tulak tulak ang kaniyang kariton. Bago tumagilid, bumangga muna sa concrete barrier ang jeep.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang driver na si Rafel Mahuzon at limang pasahero nito.
Ang UNTV News and Rescue ang naglapat ng pangunang lunas sa dalawang biktima habang ang Department of Public Order and Safety ng Quezon City ang tumulong sa ibang biktima.
Matapos malapatan ng first aid ay dinala na Quezon City General Hospital ang mga biktima subalit tumanggi ng magpadala sa pagamutan ang jeepney driver.
Ayon sa mga otoridad, posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property ang driver.
Sa Butuan City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking naaksidente sa motorsiklo sa sumilihon pasado alas dyes kagabi.
Nagtamo ng gasgas sa tuhod at kamay ang biktimang si Josephus Baddao na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue.
Ayon kay Baddao, pauwi na sana siya galing inuman nang mawalan ito ng balanse sa kanyang minamanehong motor dahil sa kalasingan.
Matapos malapatan ng first aid si Baddao ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.
Kung may nasalungang aksidente sa kalsada, maaaring humingi ng tulong sa UNTV News and Rescue, tumawag lamang sa Hotline na 911-8688 o 911-UNTV.
( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )