Mahigit apat na libong flights ang maaapektuhan ng limang araw na maintenance shutdown ng Tagaytay radar sa March 6 to 11.
Kaya naman puspusan ang ginagawang paghahanda ng mga airline company lalo na at siguradong magkakaroon ng delay sa kanilang mga flight.
Ayon sa Philippine Airlines, inihahanda nila ngayong linggo ang gagawing adjustment sa schedule ng mga flight na maaantala at maaaring ma kansela bunsod ng shutdown.
Inihahanda rin ng pal ang mas malalaking mga eroplano upang i-accomodate ang ilang mga pasahero na apektado ng shutdown.
Libre din na makakapagpa-rebook o di kaya’y makakuha ng full refund ang mga pasahero na hindi makakabiyahe sa panahon ng maintenance shutdown.
Nagpauna nang humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Adminsitration at Civil Aviation Authority of the Philippines sa maaaring maging epekto maintenance shutdown.
Ang Tagaytay radar ay isa sa tatlong malalaking radar na nagmomonitor ng lahat ng mga eroplano na pumapasok at lumalabas ng bansa.
Kahit mawala ang Tagaytay radar, operational pa rin ang Laoag at Mount Majic radar sa Cebu subalit isinasaalang-alang ng CAAP ang kaligtasan ng mga pasahero.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: Airline companies, naghahanda na para sa limang araw na maintenance shutdown ng Tagaytay radar