Air fare ngayong Setyembre, inaasahang tataas dahil sa fuel surcharge hike

by Radyo La Verdad | September 4, 2023 (Monday) | 990

METRO MANILA – Inaasahan ang pagkakaroon ng taas-pasahe sa eroplano o air fare ngayong buwan ng Setyembre bunsod ng ipinatutupad na fuel surcharge hike.

Nauna nang inianunsyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) na tataas ang fuel surcharge ngayong Setyembre bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Mula sa nakaraang level 4 na fuel surcharge rate noong Agosto, itinaas ito ng CAB sa level 6 ngayong Setyembre.

Ibig sabihin aabot sa P185 hanggang P665 ang pwedeng madagdag sa airfare kung domestic flights.

Habang nasa mahigit P610 hanggang P4,500 naman ang dagdag kung international flight.

Ang fuel surcharge ang fee na kinokolekta ng mga airline company para ma-recover o mabawi ang fuel cost.

Tags: ,