Agri sector, mangangailangan ng P30B upang makabawi sa pinsala ng El Niño – incoming Agri Sec.Piñol

by Radyo La Verdad | June 7, 2016 (Tuesday) | 1000

REY_PIÑOL
Malawak ang naging epekto ng El Niño sa bansa base sa assessment ni incoming Agriculture Secretary na si Emmanuel “Manny” Piñol.

Sa programang “Get It Straight with Daniel Razon”, inihalintulad niya ito sa naging pinsala sa agrikultura ng Bagyong Yolanda sa bansa noong 2013.

Ayon kay Piñol, mangangailangan ng P30B ang ahensya para sa ilulunsad niyang Agricultural Rehabilitation and Enhancement Assistance o “AREA” na tutugon sa naging epekto ng El Niño sa bansa.

Hindi naman maipangako ni Piñol ang rice self sufficiency sa bansa subalit gagawa siya ng mga paraan upang magkaroon ng sapat at murang pagkain gaya ng direktiba sa kanya ni incoming President Rodrigo Duterte.

Isusulong din ng papasok na administrasyon ang pagpapataas pa ng teknolohiya sa pagsasaka at paghanap ng merkado para sa mga produkto.

Nais din nilang maglaan ng pondo upang may mahiraman ang mga magsasaka.

Nais din nitong magkaroon ng insurance at pensyon ang mga magsasaka.

Ipagpapatuloy ni Piñol ang mga nagtagumpay na programa ni Sec.Proceso Alcala gaya ng oraganic farming.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,