Agri products mula sa China na nagkakahalaga ng tinatayang 9 na milyong piso, misdeclared ng BOC

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 2392

Nasabat ng Customs ang limang kargamento mula sa China na may lamang agricultural products. Nakapangalan naman ang mga ito sa V2Y International at wala umanong mga import permit.

Pawang misdeclared ang mga laman dahil sa halip na bawang at mansanas subalit sako-sakong sibuyas at carrots ng nasa loob nito na nagkakahalaga ng siyam na milyong piso.

Agad namang idinispose ang mga ito lalo na’t hindi dumaan sa inspection ng Bureau of Plant Industry upang matiyak kung ligtas itong ikonsumo ng publiko.

Samantala, ipinahayag ni Comm. Lapena na pansamantala niyang sinusupinde ang green lane na dinadaanan ng mga kargamento. Nais aniyang pag-aralan muna ang sistema at tignan kung paano pa maisasaayos ito.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , ,