Tatapusin na ngayong araw ang pagdinig ng The Hague Permanent Court of Arbitration sa merito ng kaso ng Pilipinas kaugnay ng teritorial dispute sa West Philippine sea.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ngayon ang huling araw ng pagdinig sa merito ng kaso na inihain ng Pilipinas.
Naiprisinta na aniya ng delegasyon ng Pilipinas ang ating kaso sa pamamagitan ng mga ebidensya at pagsangayon ng international law.
Umaasa ngayon ang Malacanang na sa pagsusuri ng tribunal sa merito ng kaso ay makikita nito ang makatuwirang posisyon ng Pilipinas.
“The petition is now being heard before The Hague. The judges have been hearing the merits of the case and today, November 30, is the final day for the hearing on the merits. For the past few days, we have presented our case backed by evidence and by international law. We hope the tribunal, upon evaluating the merits of our petition, will see the rightness of our cause.” pahayag ni Lacierda.
Nagumpisa ang pagdinig sa Arbitral tribunal noong November 24.
Bahagi sa naturang pagdinig ay ang pagprisinta ng mga abogado ng Pilipinas ng mga matatandang mapa na isa rito ay mula pa sa Ming Dynasty upang pabulaanan ang Nine-Dash line na claim ng China sa West Philippine Sea.
Ipinakita din dito ang mga larawan kung paano sinira ng reclamation activities ang yamang dagat sa karagatan na kung hindi ititigil ay lalong makakasira sa marine environment.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Arbitral Tribunal, merito, Pilipinas