Inaasahang mapapadali na ang kalakalan ng mga produkto sa lalawigan ng Leyte dahil sa itatayong trading post sa bayan ng Javier.
Ang North Eastern Leyte Agri Pinoy trading post ay bahagi ng progama ng Department of Agriculture na may layuning makatulong sa mga magsasaka sa bayan.
Mismong si Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala ang nanguna sa programa noong biyernes na dinaluhan ng daan-daang magsasaka.
Dito na direktang isasagawa kalakalan ng mga produkto at hindi na kinakailangan pa ng mga middleman.
Ayon naman kay Mayor Leonardo Javier, malaki ang maitutulong ng trading post na ito upang mas malaki ang kitain ng mga magsasaka.
Samantala, dahil sagana ang bayan sa tubig, magbabahagi rin ng tulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR upang makapagsimula ng pangkabuhayan ang mga mangingisda.
Sa bayan naman ng Palo Leyte, namahagi rin ang Departament of Agriculture ng pondo para sa rural development programs.
Mahigit 700 million pesos worth ng mga proyekto ang ipinagkaloob ng kagawaran upang maparami ang makina, bangka, seedlings, at iba pang kinakailangan ng sektor nga agrikultura. (Joyce Balancio/UNTV News)
Tags: Agri Pinoy trading post, Department of Agriculture Sec. Proceso Alcala