Ipinahayag ng Philippine Chamber of Commerce and Food Incorporated na maaari namang maglagay ng mga programa ang pamahalaan para suportahan ang layunin ng batas gaya ng pagbibigay ng insentibo doon sa mga manufacturer ng iodized salt.
Ayon sa Presidente ng grupo na si Danilo Faustino, malaki ang naging epekto sa industriya ng asin sa bansa ng RA 8172 o ang Act Promoting Salt Iodization Nationwide o ASIN law. Inuubliga kasi nito ang lokal na produksyon ng asin na lagyan ng iodine para masugpo ang malnutrisyon sa bansa gaya ng kakulangan sa iodine na nagreresulta ng sakit gaya ng goiter.
Ayon sa PCAFI, sa ngayon ay mahigit sa 90% ang inaangkat na asin ng pilipinas.
Mahalaga aniya ang asin gaya sa mga magsasaka ng niyog kung saan ginagamit itong fertilizer.
Sa kamara ay may dalawang panukalang batas kaugnay sa industriya ng asin.
ang isa ay ang inihain ni representative ron salo na naglalayong amiyendahan ang asin law habang ang inihain naman ni Pangasinan Representative Christopher de Venecia ay ang pagpapawalang bisa sa ASIN law. Ayon naman sa Department of Agriculture, mas mabuti narin na amiyendahan ang batas para mapasa ilalim ng DA-BFAR ang mga asin farm na ngayon ay nasa ilalim ng hurisdisyon ng Department of Environment and Natural Resources.
(Rey Pelayo | UNTV News)