QUEZON CITY, Metro Manila – Nasaksihan ng buong mundo ang biglaang pagpapalit ng liderato ng Kamara noong Lunes.
Nagsagawa ng sariling sesyon ang mga kongresistang kaalyado ni Congresswoman Gloria Arroyo para iluklok siya bilang bagong house speaker.
Natabunan ng eksenang ito ang pag-aabang ng lahat sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Dutere.
Ayon kay Vice President Leni Robredo hindi maganda ang impresyong iniwan nito sa publiko.
Ngayong naluklok na si Arroyo bilang bagong House Speaker, panawagan ni Senator Grace Poe na bantayan ang pamumuno nito sa Kamara lalo’t maraming isyu ng kurapsyon ang nangyari sa siyam na taong pamumuno ni Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas.
Matatandaang inakusahan rin noon ng aktres na si Susan Roces si Arroyo ng pang-aagaw sa pagka-pangulo matapos mapatalsik sa pwesto si dating Pangulong Joseph Estrada noong 2001 at ang umano’y malawakang dayaan noong 2004 Presidential elections.
Ang grupo si dating Speaker Pantaloen Alvarez, tahimik pa sa isyu, habang ang Malakanyang naman ay una nang nagsabing hindi makikialam sa nangayayaring alitan sa Kongreso.
Ulat ni Grace Casin | UNTV Correspondent
Larawan mula sa VP Leni Robredo FB Page