Tinuligsa ng Chinese government ang ginawang pagbabawal ng ilang bansa na makapasok sa kanilang lugar ang mga Chinese passport holder, pagtangging magbigay ng visa at pagkakansela ng mga flight patungong China.
Sa pagpupulong ng mga representante ng World Health Organization (WHO) sinabi ni Chinese Ambassador For Disarmament at the United Nations Li Song na ito ay tahasang paglabag sa rekomendasyon ng who sa paglaban sa 2019 nCoV ARD.
“As mentioned by doctor Tedros, we need facts, not fear; we need science, not rumours; we need solidarity, not stigma.” ani UN Chinese Ambassador for Disarmament, Li Song.
Si Li Song ang dumalo ng pagpupulong matapos na makansela ang byahe mula sa Beijing ng regular board member ng china sa WHO.
Una ng sinabi ng WHO na hindi kailangan ang global travel ban upang labanan ang 2019 nCoV ARD.
As of Feb. 02, mayroon nang mahigit 17, 000 confirmed cases ng nCoV sa China at iba pang bansa nasa 361 na rin ang nasawi dahil sa naturang sakit sa China at isa naman sa Pilipinas, ang unang fatality sa labas ng China.
Tags: Novel coronavirus