AFP,tinutulan ang pahayag ng China na hindi nakakasira sa ecological environment ang massive reclamation activities sa West Philippine Sea

by Radyo La Verdad | April 20, 2015 (Monday) | 1845

china_west-philippine-sea
Muling ipinakita ni AFP chief of staff general Gregorio Pio Catapang sa media ang mga larawan ng massive reclamation activities ng china sa West Philippine Sea.

Ayon kay Gen. Catapang, sa mga ginagawang konstruksyon sa pitong reefs sa Spratly archipelago, nawasak ang 300 ektarya ng coral reefs at magbubunga ng pagkasira ng ecological balance sa West Philippine Sea.

Bukod dito, ikinabahala rin ng AFP ang konstruksyon na ginagawa sa Mischief reef at sa Subi reef.

Ito ang ang pinakamalalapit na reclamation activities sa teritoryo ng Pilipinas partikular na sa Ayungin at Pagasa shoal.

Ayon kay Gen. Catapang, maaaring pagsimulan ng panibago at mas matinding tensyon lalo na kung matapos na ang mga pasilidad na itinatayo ng China ruon.

Iginiit naman ni Gen. Catapang na sapat ang mga tropa ng militar na nagpapatrolya sa mga islang malapit sa pinagtatalununang teritoryo.

Mananatili rin ang AFP sa pagsuporta sa pamahalaan na sundin ang rule of law partikular na ang UN Convention on the Law of the sea o UNCLOS at sa pagiging diplomatiko sa usapin ng pinagtatalunang teritoryo. (Rosalie Coz/UNTV Correspondent)