Mas paiigtingin ng Hukbong Sandatahang Lakas ang operasyon laban sa bandidong grupong Abu Sayyaf at iba pang teroristang grupo na nakikipag-alyado sa militanteng ISIS.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, pro-active ang monitoring at operasyon ng militar laban sa mga ito bilang bahagi na rin ng bagong kampanya laban sa mga teroristang grupo.
Naniniwala ang AFP na ang panggugulo ng mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf at Maute Group ay bahagi ng kanilang stratehiya upang mapansin at makakuha ng pondo mula sa ISIS.
Muli namang humingi ng suporta sa publiko ang AFP upang mapangalagaan ang seguridad ng bansa.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: AFP, binabantayan na ang mga grupong kaalyado ng ISIS, kaugnay ng umano’y planong pag-atake sa Asia Pacific