Ipinakita ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa publiko ang war-gaming center kung saan isinasagawa ang unilateral defense planning ng mga heneral.
Kabilang rin sa pinaghahandaan ng AFP ay ang posibilidad na pagtama ng mga kalamidad sa bansa gaya ng “the big one” o ang 7.5 magnitude na lindol na maaaring puminsala sa Metro Manila.
Dito inihahanda ng sandatahang lakas ang kanilang mga tauhan upang agad maibigay sa mga biktima ng kalamidad ang tulong.
Samantala, ang AFP war gaming center ang magsisilbing control room sa Balikatan Exercises ngayong Abril.
April 4 ang opening ceremony ng Balikatan Exerscises 2016 na isasagawa sa AFP Officers Club House, Tejeros Hall.
Ipakiita rin sa publiko ang iba’t-ibang kagamitan ng AFP at Estados Unidos sa Clark Airbase sa Araw ng Kagitingan sa April 9.
At sa April 14 naman isasagawa ang live fire exercise sa Crew Valley, Tarlac.
(Grace Casin/UNTV NEWS)