AFP, walang planong magdeklara ng SOMO ngayong holiday season

by Radyo La Verdad | December 13, 2018 (Thursday) | 12933

Hindi irerekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magdeklara ng suspension of military operations (SOMO) ngayong holiday season.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, kahit nagdeklara ng unilateral ceasefire ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), batay sa karanasan, hindi naman sila naging sinsero dito.

Ayon kay Arevalo, sinasamantala lamang ng NPA ang ceasefire para magpalakas ng pwersa.

Nauna nang ipinahayag ni DND Sec. Delfin Lorenzana na hindi nila irerekomenda sa Pangulo na magdeklara ng ceasefire. Ganito rin ang pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kaugnay nito, tiniyak ni Arevalo na nakaalerto ang mga sundalo sa mga kanayunan upang pigilan ang posibleng panggugulo ng komunistang grupo.

Ito ang unang pagkakataon na hindi magdedeklara ng tigil-putukan ang pamahalaan sa npa ngayong holiday season sakaling sang-ayunan ng Pangulo ang rekomendasyon na “no ceasefire“ ng AFP at DND.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,