AFP, walang namomonitor na banta upang patalsikin sa pwesto si Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | May 31, 2019 (Friday) | 20711

Manila, Philippines – Walang namo-monitor na banta ng destabilisasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ito ng inilabas na matrix ng palasyo ng umano’y mga personalidad na nagsasabwatan upang maalis sa pwesto ang Pangulo. Ilan sa mga sinasabing kasabwat dito ay mga mamamahayag.

“Nananatiling mataas ang satisfaction rating ng Pangulo at marami ang naniniwala dito” ani AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Wala din aniyang magtatagumpay na anomang ouster plot kung walang tulong mula sa militar.

“Walang magtatagumpay na balakin na tanggalin sa pwesto ang isang nakaupong Pangulo dahil kung titingnan natin ang kasaysayan hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo walang isa pa mang nangyari na forced take over ng pamahalaan ng hindi sinalihan at hindi tinalikuran ng Armed Forces (ang pamahalaan)” ani AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Nananatili rin aniyang professional, mature at tapat sa konstitusyon ang mga sundalo kaya’t malabong sumali ang mga ito sa ouster plot.

“Na masasabi natin na natututo na sa napakaraming karanasan natin na wala naman naidulot na mabuti in terms of trying to replace the leadership by force and besides sa ngayon napakaganda ng itinatakbo ng ating bansa at nakikita po natin ang AFP dapat ang focus is on defeating the enemies of the state and not and not an overthrow of government. “ ani AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Binigyang diin pa ni Arevalo na walang makukuhang suporta ng sandatahang lakas ang sinomang nagbabalak na mapatalsik si Pangulong Duterte.

Samantala, nauna ng sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi totoo at wala ring ouster plot laban sa Pangulo.

(Lea Ylagan| UNTV News)

Tags: ,