AFP troops, sasailalim sa information and education drive ukol sa state of national emergency

by Radyo La Verdad | September 7, 2016 (Wednesday) | 1166

AREVALO
Hindi dapat mangamba ang publiko sa presensya ng mga sundalo sa bawat lugar sa Eastern Mindanao, Western Mindanao at Metro Manila.

Ito’y matapos ang proklamasyon ng state of national emergency.

Ayon kay Coronel Edgard Arevalo, ang chief ng AFP Public affairs Office, iniutos ni Chief Ricardo Visaya na ipabatid sa lahat ng AFP troopers ang mga do’s and don’t sa ilalim ng nasabing proklamasyon

Ayon kay Arevalo, ito’y upang maiwasan na lumabag sa mga umiiral na batas ang mga sundalo lalo’t hindi naman batas militar ang proklamasyon ng pangulo

Samantala, ngayong araw ay dalawang miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay sa Patikul Sulu sa engkwentro sa tropa ng militar

Ikinatuwa ng AFP ang patuloy na pakikipagtulungan at koordinasyon ng mga residente sa lugar upang maging matagumpay ang pagtugis sa teroristang grupo.

Umaasa ang AFP na kahit may kaunting abala ang dulot ng pangangalaga sa seguridad ay makikipagtulungan ang mamamayan.

(Bryan de Paz/UNTV Radio)

Tags: