AFP, tiniyak ang pagsuporta sa magiging programa ng susunod na administrasyon hinggil sa peace and order sa bansa

by Radyo La Verdad | May 17, 2016 (Tuesday) | 1104

ROSALIE_AFP
Tiwala ang Armed Forces of the Philippines na ipatutupad ng susunod na administrasyon ang naaayon sa batas hinggil sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr., susuportahan ng hukbong sandatahan ang magiging programa ng susunod na administrasyon.

Sinabi rin nitong pawang ispekulasyon o haka-haka lamang ang mga naglalabasang pahayag na tataas umano ang bilang ng extrajudicial killings sa ilalim ng pamumuno ni Presumptive President Rodrigo Duterte.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,