Itinuturing ng Armed Forces of the Philippines na isang universal call ang pagtrato laban sa banta ng terorismo.
Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Restituto Padilla, maaaring mangyari saan man at anumang oras ang banta ng terorismo kaya panawagan ng AFP na maging mapagmatyag, maging alerto dahil aniya ito ay responsibilidad na ng bawat isa.
Dagdag pa nito na dapat ang bawat isa ay may papel na gagampanan upang maiwasan ang anumang terror attack.
Panawagan ng militar sa publiko na maging aktibo at makipagtulungan sa mga otoridad para na rin sa kaligtasan ng publiko.
(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Reporter)