AFP, pinaigting ang monitoring sa posibleng mga pag-atake ng NPA kasabay ng anibersaryo nito

by monaliza | March 25, 2015 (Wednesday) | 2077

IMAGE_UNTV-News_FEB162015_AFP-Harold-Cabunoc

Nagpaalala ang pamunuan ng AFP sa mga field troop nito sa posibleng pag-atake ng armadong grupo ng Communist Party of the Philippines— New People’s Army (CPP-NPA) lalo na sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ito ay dahil sa nalalapit na ang ika-46 na founding anniversary ng NPA sa Marso 29.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt.Col. Harold Cabunoc, tradisyonal nang ginagawa ng NPA ang pagsasagawa ng opensiba laban sa militar at pulisya sa tuwing founding anniversary ng rebeldeng grupo.

Sa pangunguna ng unit commanders, pinag-dodoble ingat at inatasang magsagawa rin ng pagpapatrolya ang mga militar sa mga komunidad, private at government installations dahil posibleng atakehin ito ng NPA lalo na sa North Eastern at Northern Mindanao.

Ayon sa ulat ng AFP, kumpara sa humihina nang pwersa ng NPA sa Luzon at Visayas,masasabing aktibo pa rin ang mga rebeldeng NPA sa Mindanao lalo na sa bahagi ng Compostela Valley, Agusan del Sur at Caraga Region. ( Rosalie Coz / UNTV News Correspondent )

Tags: , , ,