AFP, pinaghahandaan na ang inaasahang distribusyon ng Covid-19 vaccines sa bansa

by Erika Endraca | December 24, 2020 (Thursday) | 1365

METRO MANILA – Gagamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP)  ang lahat ng availabe assets nito para mapadali ang distribusyon ng Covid-19 vaccines sa buong bansa sa taong 2021.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay, mayroon na silang binalangkas na distribution plan.

ito ay gaya ng proseso ng distribusyon ng election paraphernalias tuwing mayroong halalan sa bansa.

“We expect all also of our equipment, our sea vessels, naval vessels, our aircraft, helicopters to include our personnel to be actively involved in the distribution and transport of the vaccine. We are preparing for it and the plan is drafted already in the performance of this mission.”ani  AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay.

Ang AFP ang pangunahing inatasan na tumulong sa Department Of Heath (DOH) upang makarating kahit sa mga malalayong lugar ang bakuna lalo na sa mga marginalized sector.

Binigyang diin ng sandatahang lakas na nakahanda naman sila sa ganitong trabaho tulad ng kanilang mabilis na pagresponde sa iba’t-ibang kalamidad.

Samantala, nakaalerto rin ang AFP sa posibleng gawing atrocities o karahasan ng NPA tulad ng extortion at pag-atake sa mga kampo ng militar kasabay ng kanilang ika-52 anibersaryo sa December 26.

“Our intelligence community is closely monitoring their actions. they have plan really to conduct atrocities in different parts of the country particularly yung mga vulnerable yung mga remote ano communities natin” ani  AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay.

Tiniyak naman ng AFP na nakahanda ang mga tropa nito upang sawatain ang masamang binabalak ng grupo at pinapayuhan ang publiko na palaging mapagmatyag.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: