AFP, pinabulaanan ang umano’y pagdukot ng Abu Sayyaf sa 4 na Malaysian national

by Radyo La Verdad | June 17, 2016 (Friday) | 1275

ROSALIE_AFP
Kahapon ay napaulat ang umano’y panibagong insidente ng pagdukot ng Abu Sayyaf Group sa apat na Malaysian national sa karagatan ng Sabah.

Dinala umano ang mga biktima sa Tawi-Tawi at pagkatapos ay sa Sulu.

Ang probinsya ng Tawi-Tawi ang kadalasang dinadaanan ng bandidong grupo papuntang Sulu o Basilan.

Ngunit ayon sa Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command, walang naiulat na panibagong ng kidnapping incident batay na rin sa pahayag ng Malaysian authorities.

Matatandaang kamakailan lamang ay una nang nakalaya ang apat na Malaysian nationals na binihag ng A-S-G matapos umanong magbayad ng ransom money.

Sa ngayon ay tiwala ang AFP na hindi na basta-basta gumagawa ng pagdukot ang mga miyembrp Abu Sayyaf partikular sa Tawi-Tawi.

Ito ay matapos i-deploy sa lugar ang isang batalyong marines.

Ang marine batallion landing team nine ang pangunahing magbabantay sa mga karagatang sakop ng Pilipinas partikular sa Tawi-Tawi.

Ang nasabing hakbang ay kasunod na rin ng serye ng pagdukot malapit sa lugar nitong mga nakaraang buwan.

Bahagi rin ito sa napakagsunduang bagong joint maritime patrols ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,