AFP, pabor sa desisyon ni Pangulong Duterte na suspindihin ang pakikipag-usap para sa kapayapaan sa mga komunista

by Radyo La Verdad | July 21, 2017 (Friday) | 4167


Sang-ayon naman ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa naging hakbang ng pamahalaan na kanselahin ang backchannel talks sa komunistang grupo.

Ito ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo kung hindi titigil ang NPA sa mga iligal na gawain.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, madalas na lumalabag ang rebeldeng grupo dahil sa patuloy na pag atake sa mga tropa ng pamahalaan.

Tulad ng pananambanga sa sasakyan ng Presidential Security Group sa Arakan North Cotabato kung saan naglagay ang mga ito ng checkpoint habang nakasuot ng pekeng uniporme ng Army.

Bukod pa rito ang mga pag-atake sa mga hindi combatant tulad ng dalawang sundalo na inatake ng npa habang namamalengke sa Palawan.

Sinabi pa ni Arevalo na hindi seryoso ang NPA sa peace talks base sa mga ginagawa ng mga ito tulad ng extortion activities.

(Rajel Adora / UNTV Correspondent)

Tags: , ,