Hindi pa tapos ang trabaho ng militar sa Marawi City kahit na idineklara ang termination ng combat operations.
Ayon kay AFP Spokesperson Restituto Padilla, kailangan pang linisin mula sa mga improvised explosive device at iba pang uri ng pampasabog ang mga gusali sa Marawi.
Sinabi pa ni Padilla na hindi na papayagan ng militar na malagay sa alanganin ang buhay ng mga sibilyan kaya hindi aalisin sa Marawi ang ibang mga tropa ng militar.
Sinabi pa nito na pag-aaralan pang mabuti kung maaari nang bumisita ang mga residente sa kanilang mga tahanan.
Dagdag pa ng heneral na sinusuyod pa rin ng militar ang bawat gusali upang matiyak na walang nakalusot na mga terorista.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: AFP, combat operations, Marawi City