Naka-preposition na ngayon ang mga sundalo sa mga lugar na maaapektuhan ng Bagyong Ompong.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, 100 porsyento na ang kanilang paghahanda dahil inaasahan na nila pagsasagawa ng rescue operation sa mga residenteng lubhang maapektuhan ng Bagyong Ompong.
Sinabi pa ni Detoyato na nakatututok ang mga sundalo sa search and rescue at relief operations at tutulong na rin sa mga road clearing.
Tiniyak pa ni Detoyato na may back-up communication ang mga ito para sa mas maayos na koordinasyon sa paglilikas ng mga residente sa mga apektadong lugar.
Kansel din aniya ang leave ng mga sundalo sa Northern Luzon Command na siyang lugar na direktang tatamaan ni Bagyong Ompong.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: AFP, Bagyong Ompong, red alert