AFP Modernization Program, inaasahan ni Pangulong Aquino na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon

by Radyo La Verdad | April 22, 2016 (Friday) | 1976

NEL_PNOY
Nagpahayag ng tiwala si Pangulong Benigno Aquino The Third na nakahanda na ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagbibigay ng seguridad sa May 9 elections partikular na sa mga magugulong lugar sa Mindanao.

Kaugnay ang pahayag ng panulo sa pagpapalit ng pamunuan ng AFP kaninang umaga kung saan itinalagang acting Chief of Staff si Lt.General Glorioso Miranda bilang kapalit ng nagretirong si Chief of Staff General Hernando Iriberri,

Sinabi ng commander-in chief na malaki na rin ang nagawang reporma sa AFP sa mga nagdaang taon.

Sa ilalim naman ng modernization program ng AFP, ayon sa pangulo dobleng budget ang inilaan ng Administrasyong Aquino upang mapondohan ang animnaput walong mga proyekto nito,

Dagdag ng pangulo, sa ilalim ng kaniyang administrasyon nawala na rin ang korapsyon sa hanay ng AFP.

Umaasa rin si Pangulong Aquino na ipagpapatuloy ng susunod na pinuno ng bansa ang transformation roadmap lalo na ang pagpapalakas sa kapabilidad ng mga sundalo.

Pinasalamatan rin ng pangulo ang mga sangay ng hukbong sandatahang lakas ng pilipinas at mga chief of staff na matapat na naglingkod sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: ,