AFP at mga NGO nagsagawa ng all in one civic project sa pinakadulong isla ng Batanes

by Radyo La Verdad | May 5, 2016 (Thursday) | 1243

BRYAN_CIVIL-ACTION
Isang humanitarian mission ang isinagawa ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon command kasama ang ilang non-govermenrment organization sa bayan ng Itbayat sa Batanes.

Daan-daang mahihirap na residente ang napaglingkuran sa isinagawang medical service gaya ng libreng opera sa katarata, libreng gamot, pamimigay ng school supplies, sapatos, bag, tsinelas,solar pannel, generatorat mga kagamitan sa pangingisda.

Laking pasasalamat naman ng mga residente ng Itbayat dahil ngayon lamang may nagsagawa ng ganitong kalaking proyekto sa kanilang lugar.

Ang bayan ng Itbayat ang itinuturing na northernmost municipality sa bansa.

Isa itong isla na matatagpuan sa layong halos 40 kilometro mula sa sentro ng Basco, Batanes.

Halos 3000 lamang ang populasyon dito at itinuturing na 5th class municipality.

Maliliit na eroplano at bangka lamang ang maaaring sakyan upang marating ang isla kaya kapag may emergency ay pahirapan ang biyahe.

Pagtatanim ang hanapbuhay ng mga residente rito ngunit hindi nila ito maibenta sa mga pamilihan dahil sa mahal na pamasahe kapag ibibiyahe ang kanilang ani.

Isa rin ito sa pinakatahimik na lugar sa Batanes dahil walang naitatalang kaso ng iligal na droga at krimen.

(Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,