AFP, katuwang ng PNP sa patuloy na pagtugis sa mga private armed group habang papalapit ang 2016 elections

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 1354

ROSALIE_AFP
Tiniyak naman ang AFP na kasama sila ng PNP sa pagtugis sa mga private armed group at private armies bilang paghahanda sa nalalapit na May 2016 national elections.

Sa pamamagitan ng intelligence capability ng AFP, tutukuyin din kung saan-saan at sino-sino ang nagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong baril.

Magbibigay din ang AFP ng rekomendasyon sa pnp para sa paglalabas ng search warrant sa mga natukoy na grupo na posibleng makasuhan ng illegal possession of firearms.

Ayon naman kay AFP Chief of Staff Gen. Hernando Iriberri, hindi na kinakailangang magdagdag ng tropa ng militar sa mga itunuturing na election hot spot.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)

Tags: , ,