AFP Joint Task Force Sulu, puspusan ang paghahanap sa mga labi ng pinugutang German kidnap victim ng ASG

by Radyo La Verdad | February 28, 2017 (Tuesday) | 2123


Puspusan na ang ginagawang recovery effort ng Armed Forces of the Philippines Joint Task Force Sulu sa mga labi ng German kidnap victim na si Jurgen Gustav Kantner.

Ito ay matapos kumpirmahin ng pamahalaan ng pinugutan na nga ng bandidong grupong Abu Sayyaf sa Sulu ang hostage nito.

Kinondena naman ng AFP ang ginawang pamamaslang ng bandidong grupo sa biktima.

Si Kantner at ang asawa nitong si Sabine Merz na una nang pinatay ay dinukot ng ASG noong Nobyemre ng nakaraang taon sa tanjong luuk pisuk, sabah malaysia.

Matatandaang nagbigay ng taning na hanggang linggo ng hapon ang Abu Sayyaf upang mabayaran ang thirty million pesos na ransom para sa biktima.

Tiniyak naman ng AFP Western Mindanao Command na ginawa na nito ang lahat para mailigtas ang biktima at iba pang mga bihag.

Sa ngayon ay aabot na sa labing-apat na batalyon ng militar ang nasa Sulu para tugisin ang mga bandido.

Positibo naman ang AFP na mapapakawalan na ang mga natitirang bihag dahil sa tuloy-tuloy na opensiba ng militar.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,