AFP, gagamit ng panibagong ‘military approach’ sa pagtugis sa teroristang grupong Abu Sayyaf

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 1257

ROSALIE_DUREZA
Tiwala ang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na si LGen. Ricardo Visaya na magbubunga ng maganda ang panibagong taktika sa pagtugis ng militar sa Abu Sayyaf Group.

Nauna nang sinabi ni LGen. Visaya, na nonstop o 24/7 o 24 hours a day, seven days a week na ang gagawing pagtugis ng militar sa teroristang grupo.

Samantala, kinumpirma ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na nagbigay siya ng pribadong numero ng telepono sa pamamagitan ng isang intermediary kung saan maaari siyang makausap ng Abu Sayyaf Group hinggil sa Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad.

Nilinaw naman ni Sec. Dureza na ang gagawing pakikipag-usap ng pamahalaan ay upang mabawi ng buhay ang mga kidnap victim samantalang nanindigan sa No Ransom Policy ng pamahalaan.

Dati nang nakikipag-usap si Sec. Dureza sa teroristang grupong Abu Sayyaf sa pamamagitan ng mga emissary o kinatawan upang mapalaya ang mga biktima.

Ipinahayag din ni Sec. Dureza na nagbigay din ng garantiya si President Rodrigo Duterte sa Norwegian government na gagawin ang lahat ng paraan upang mabawi ang Norwegian kidnap victim.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,