Pinabulaanan ng Eastern Mindanao Command ang napabalitang umano’y posibleng pag-atake ng grupong Abu Sayyaf sa iba pang rehiyon sa Mindanao tulad ng Davao.
Ayon kay EASTMINCOM Spokesperson Major General Ezra Balagtey, wala silang natatanggap na ulat na banta ng terrorist attack sa rehiyon.
Tiniyak naman nito na nakahanda ang hanay ng militar sa Eastern Mindanao Command upang ipagtanggol ang mga mamamayan sa anomang posibleng kaguluhan na ihasik ng bandidong grupo.
Tuloy-tuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga law enforcement agency
Samantala, muli naman magdaragdag ng tropa ang 10th infantry division na ipapadala sa Western Mindanao Command sa susunod na linggo upang tumulong sa pakikipaglaban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf.
(Janice Ingente / UNTV Correspondent)
Tags: AFP EASTMINCOM, ibang bahagi ng Mindanao, may banta ng pag-atake ang ASG