Sumalang ngayong araw sa Commission on Appointment ang ilang opisyal ng pamahalaan para sa kanilang kumpirmasyon.
Kabilang sa kanila ang kakatalaga pa lamang na bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines na si Lieutenant General Eduardo Año.
Sa pagdinig ng CA, sinabi ni Año na ipagpapatuloy niya ang programang nasimulan ni dating AFP Chief Ricardo Visaya at tutukan ang pagtugis sa Abu Sayyaf at New People’s Army alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman ay bukas pa rin ang AFP sa paghahanap ng permanenteng solusyon sa apat na dekadang bakbakan sa Mindanao.
Maliban kay Año, humarap din at inaprubahan na ng CA ang appointment nina Ambassador to Portugal Celia Feria, Ambassador to Timor Leste Abdulmaid Muin, Ambassador to the United Nations Even Garcia, at Ambassadors to Myanmar at Papua New Guinea Eduardo Kapunan at Bienvenido Tejano.
Hindi naman natuloy ang patalakay sa confirmation ni DFA Sec. Perfecto Yasay dahil sa isyu sa kanyang US citizenship.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: AFP Chief of Staff Lt. Gen. Eduardo Año, sumalang sa Commission on Appointments