Bukas ang Armed Forces of the Philippines sa gagawing imbestigasyon ng Bureau of Corrections sa loob ng kanilang detention facility kung saan nakakulong ngayon ang ilang drug lords na tumestigo laban kay Sen.Leila de Lima.
Ito ay bunsod na rin ng utos ni Justice Sec. Vitalliano Aguirre kasunod ng mga akusasyon ng senador na ibinalik umano ng kalihim ang ilang pribilehiyo ng mga ito kabilang na ang paggamit ng communication gadgets.
Ngunit ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, imposibleng may nakakalusot na mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng kampo dahil sa higpit ng ginagawa nilang pagbabantay
At upang makatiyak na walang ilegal na nangyayari sa loob ng kulungan ng mga high profile inmates na ito magsasagawa ng sariling pagsisiyasat ang AFP at Philippine National Police.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: AFP Chief of Staff Gen. Año, bukas sa DOJ probe sa umano’y special treatment sa mga inmate sa AFP detention facility