AFP change of command, isasagawa na sa biyernes

by Radyo La Verdad | July 8, 2015 (Wednesday) | 1443

afp
Nakatakdang magretiro sa July 11 si AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr.

Isang araw bago niya sapitin ang edad 56 o ang mandatory age of retirement sa military service, isasagawa ang turn over ceremony sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Pangungunahan ito ni Pangulong Benigno Aquino the third at Defense Secretary Voltaire Gazmin.

Kasama sa mga inirekomendang AFP board of generals na pumalit kay Gen. Catapang ang limang pinuno ng iba’t ibang sangay ng AFP.

Kabilang dito sina Philippine Army Commanding General Lt. General Hernando Irriberi, Philippine Airforce Commanding General Lt. General Jeffrey Delgado, Western Command Chief Vice Admiral Alexander Lopez, Southern Luzon Command Chief Lt. General Ricardo Visaya at AFP Central Command Chief Lt. General Nicanor Vivar.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Joselito Kakilala, maaaring ngayong araw o bukas ianunsyo kung sino ang hahalili kay Gen. Catapang.

Tags: