AFP Cavaliers wagi vs DA Food Masters

by Radyo La Verdad | December 10, 2018 (Monday) | 18171

Nanatiling hawak ng AFP Cavaliers ang solong liderato sa nalalapit na pagtatapos ng second round eliminations ng UNTV Cup Season 7.

Ang Cavaliers na may pito ng panalo at isa pa lamang talo ay pinataob ang DA Food Masters sa score na 79-73. Best player of the game si Darwin Cordero na may 24 points 3 rebounds 2 assist at isang steal. Nabaon naman sa ilalim na pwesto ang Food Masters na may 3-6 win loss record.

Samantala, mahigpit namang nakakapit ang Malacañang-PSC Kamao sa ikalawang pwesto na may 6 ng panalo at isa pa lang na talo. Pinatumba ng Kamao ang PITC sa dikdikang sagupaan sa score na 69-64. Ito ang ika-apat na pagkatalo ng Global Traders na sa ika-anim na pwesto sa team standings matapos ang apat na sunod na panalo.

Best player of the game si Michael Ignario na may 15 points at ang bigman na si Martin Lloyd Antonio na may 16points.

Kinailangan naman ng overtime game upang gibain ng defending champion na Senate Defenders ang NHA Builders sa makapigil hiningang sagupaan sa score na 98-97.

Nanguna sa Defenders sina Marlon Legaspi na may 22points at si Harly na may 24 pts and 3 rebounds kaya tinanghal na best player of the game.

Dahil dito, umakyat sa ika-apat na presto ang Defenders na may lima ng panalo at habang nalaglag sa ikalimang pwesto ang NHA.

Tila nasayang naman ang double-double ni Mavin Mercado na may 28 points at 16 rounds.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,