AFP Cavaliers, DA Food Masters at Senate Defenders, kapwa naitala ng ika-2 panalo sa pagpapatuloy ng elimination rounds ng UNTV Cup Season 6

by Radyo La Verdad | October 16, 2017 (Monday) | 2716

Kapwa umagapay ang two time champion AFP Cavaliers at Senate Defenders sa defending champion PNP Responders sa unang pwesto sa group ang UNTV Cup Season 6 na may 2- 0 win loss record, ito ay matapos maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng 1st round eliminations kahapon an ginanap sa Pasig City Sports Center.

Sa first game, dinomina ng Cavaliers ang Rookie Team Commission on Audit Enablers upang patikimin ito ng ikalawang sunod na panalo sa score na 127 – 103.

Nanaig ang mas mabibilis at beterano na sa liga na mga sundalo na pinangunahan ng best players of the game na sina Alvin Zuniga na may 28 points at si Vicente Evidor na may 25 points.

Sa second game, umangat naman sa 2- 1 win loss record sa Group B ang Rookie Team DA Food Masters kaagapay ng NHA Builders matapos biguin ang Ombudsman Graftbusters na makasungkit ang unang panalo sa score na 98 – 61.

Tumikada ng 23 points, 5 rebounds at tig dalawang assist at steals si DA Administrative Assistant 1 Christian Dematera para pangunahan ang Foodmasters na bumawi sa nalasap nilang talo sa DOJ noong September 27.

Sa thirdgame, limang three points shots agad ang pinakawalan ng lima sa pitong player ng Senate Defenders na pumasok sa first quarter upang idikta agad ang momentum ng ball game at tambakan ang GSIS Furies sa score na 25 – 14.

Bumuwelta naman agad ang Furies at nakalamang pa ng isang puntos mula sa Reverse Layup, ni-mahigit isang minute na lamang ang nalalabi.

Pero inamapat agad ni Jeffrey Sanders ang init ng opensa ng GSIS at sinelyuhan ang second quarter sa pamamagitan ng buzzer beater shot upang bawiin ang bante, 45 – 41.

Pagpasok ng second half hindi na nakaporma ang GSIS sa halfcourt press ng Defenders upang pwersahin silang makapagtala ng labindalawang turovers at lumubo ang abante sa 73 – 51, hanggang sa di na nakabangon pa ang GSIS sa pagtunog ng buzzer 91- 81.

Ang play maker na si Jeffrey Sanders ang best player of the game na may 17 points at 7 rebounds.

Nag-ambag naman ng 10 points si Senator Joel Villanueva at 7 points si Senator Sonny Angara.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

 

Tags: , ,