AFP, bumuo na ng investigating body hinggil sa nangyaring airstrike accident sa Marawi City kahapon

by Radyo La Verdad | July 14, 2017 (Friday) | 2492

Masusing pinaiimbestigahan ng pamunuan ng AFP ang sumablay na airstrike noong miyerkules na ikinasawi ng dalawang sundalo at ikinasugat ng 11 iba pa.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig Gen. Restituto Padilla, hindi na muna gagamitin ang FA50 aircraft ng pamahalaan hanggat hindi natutukoy ang sanhi ng off shoot nito.

Muli naman sinabi ni Padilla na hindi sa mga sundalo tumama ang bomba kundi sa gusaling malapit sa mga ito.

Paliwanag pa ng Heneral, tagumpay ang halos 70 misyon ng FA50 at nitong miyerkules lamang ito sumablay.

Ayon pa kay Padilla, hindi makapipigil ang naturang insidente sa patuloy na pagsasagawa ng airstrike laban sa mga terorista sa marawi gamit ang iba pang aircraft ng AFP.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,