AFP, binalaang tatanggalin sa serbisyo ang mga sundalong magpapaputok ng baril sa pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | December 30, 2016 (Friday) | 1452

bryan_arevalo
Gaya ng ginawa sa Philippine National Police, hindi na rin seselyuhan ang mga baril ng mga sundalo ngayong pagpapalit ng taon.

Ngunit ayon kay AFP Public Affairs Chief Lieutenant Colonel Edgard Arevalo, mahigpit ang tagubilin ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na papanagutin ang sinumang sundalo na susuway sa direktibang ito.

Nakiusap rin ang pamunuan ng AFP sa publiko na agad isumbong ang sinomang sundalo na makikita nilang magpaputok ng baril ngayong holiday break.

At bagamat walang banta ng terorismo sa bansa, umapela ang sandatahang lakas ng pilipinas sa mga komunidad na maging alerto sa mga matataong lugar at agad i-report ang mga kahina-hinalang indibidwal o bagay.

Ayon sa AFP, ang hindi pagseselyo ng mga baril ng mga sundalo ay nagpapakita ng tiwala nila sa disiplina at self-control ng mga ito lalot alam ng mga sundalo na ang baril ay di ginagamit sa walang habas na pagpapaputok.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,