AFP at PNP Zamboanga, bineberipika ang ulat hinggil sa posibleng pagsali umano ng ilang grupo sa Mindanao sa Islamic State Militants

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 2044

DANTE_CASIMIRO
Patuloy ang ginagawang monitoring ng mga otoridad sa ilang grupo ng indibidual sa Mindanao na posibleng makipagsanib pwersa sa grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Partikular na sa Central Mindanao, Basilan, Sulu na kilalang active guerilla bases sa Southern Philippines at maging sa Zamboanga Peninsula.

Ayon kay Zamboanga City Police Director Police Senior Superintendent Angelito Casimiro, isa sa kanilang nakitang pangunahing dahilan ay pangakong kapalit na pera o monetary support.

Bukod dito mayroon ring ilang source mula sa basilan na nagsabing maaaring mag-pledge ng allegiance o katapatan sa ISIS kapalit ng mga magagandang baril na magagamit sa paghahasik ng karahasan.

Ilan sa mga binabantayan ng mga otoridad ay mga kabataan na nagpo-post pa sa social media na sila umano ay miyembro ng ISIS.

Bini-validate ng rin aniya nila ang ilang mga pahayag na inilagay sa social media upang matukoy kung saan ito nanggaling at kung gaano katotoo.

Ngunit dagdag pa ng pulisya, na hindi dapat na mag-panic ang publiko sapagkat ginagawa nila ang lahat katuwang ang afp at iba pa pang law enforcement agencies upang mapigil ang gawain ng mga terorista.

Samantala, ayon sa AFP na sa ngayon ay nakahanda kanilang pwersa partikular sa Mindanao upang tugisin ang mga teroristang grupo nais maghasik ng karahasan lalo na nitong ginagawang APEC Summit sa bansa.(Dante Amento/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,