AFP at PNP Region 11, mas pinaigting ang intelligence operations matapos ang pagsalakay ng armadong grupo sa Governor Generoso, Davao Oriental

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 1717

JANICE_PINAIGTING
Mas palalawakin ng pinagsanib na puwersa ng Pambansang Pulisya at Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang kanilang intelligence operations sa operasyon ng lawless elements sa Mindanao.

Ito ay kasunod na rin ng insidente ng pananalakay ng isang armadong grupo sa municipal police station sa Governor Generoso sa Davao Oriental at pagdukot sa hepe nitong si Chief Insp. Arnold Ongachen noong May 29.

Ayon sa tagapagsalita ng Davao Regional Police Chief Insp. Andrea Dela Cerna, iniimbestigahan na nila ang insidente at may narecover rin silang mga sasakyan na hinihinalang ginamit ng mga suspek.

May binuo na rin silang Task Force Governor Generoso upang mag-imbestiga sa mga kahinaan at kakulangan ng police station sa lugar.

Muli ring pinaalalahanan ang mga nakaduty sa local police at army stations na maging alerto at huwag balewalain ang mga nakukuhang impormasyon hinggil sa operasyon ng mga armadong grupo sa kanilang lugar.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,