Dismayado ang mga election watch dog AES Watch sa mga lumabas na problema sa mga Vote Counting Machine sa eleksiyon nitong Lunes.
Kabilang na dito ang umano’y mismatch results, nawawalang pangalan ng botante, kwestyunableng transmission rule ng mga boto sa physical importation ng mga sd card mula VCM hanggang canvassing center at problema sa transmission ng overseas voting.
Naniniwala rin ang AES Watch marapat maimbestigan ng Kongreso ang mga naging problema sa araw ng eleksiyon at rebyuhin ang election modernization law
Dismayado rin si dating COMELEC Commissioner Gus Lagman na software ng Smartmatic ang nagbibilang ng boto.
Hiling ng grupo na magkaroon ng tunay na transparency sa transmission ng mga boto.
Nais rin ng grupo na huwag munang palabasin ng bansa ang mga executives ng Smartmatic upang maibestigahan sa mga naging problema sa VCM kabilang na ang Novotel issue.
Hinamon naman ng AES Watch ang susunod na administrasyon na simulan na ang tunay na reporma sa election system ng bansa at papanagutin ang responsible sa paglabag sa Automation Law.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: Aeswatch, worst election