Pagbobotohan na ngayong lunes ng AD HOC Committee on the Bangsamoro ang ginawang pagbabago sa Proposed Bangsamoro Basic Law.
Walong amendments ang ginawa sa 18-articles ng BBL pero ngayong araw pa malalaman kung alin ang mga ito.
Una nang sinabi ng Komite na aalisin nila sa panukala ang probisyong nagbibigay ng otoridad sa Bangsamoro na magkaroon ng sariling Commission on Audit, Comelec, Civil Service Commission, CHR, Ombudsman at Police force.
Kasabay ng botohan ng komite ay isang Symbolic March ang isasagawa ng iba’t ibang grupo mula sa Urban poor, Labor and Political Sector at Moro Communities bilang pagsuporta sa pagsasabatas ng BBL.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com