AD HOC Chair Rufus Rodriguez, kumpyansang maipapasa ang BBL sa June 11

by Radyo La Verdad | June 8, 2015 (Monday) | 2669

REP
Kumpiyansa si AD HOC Committee Chairman Rufus Rodriguez na sa nalalabing 4 na araw ng sesyon ng Kamara bago ang sine die adjourment sa June 11 ay maipapasa nila ang Basic Law of the Bangsamoro Autonomous Region.

28 kongresistang pa ang nasa listahan upang magtanong sa nilalaman ng Bangsamoro bill.

Walang time limit ang bawat kongresista sa pagtatanong kaya kadalasan ay napapahaba.

Kabilang sa mga probisyong kinukuwestiyon sa Bangsamoro bill ay ang Opt in, Parliamentary Form of Government sa Bangsamoro at Asymmetric Relationship.

Nakikiusap si Rodriguez sa kanyang mga kasamang kongresista na huwag agad umuwi upang magkaroon pa ng mahabang oras sa pagtalakay sa panukalang batas.

Kadalasan, pagsapit ng alas- 7 hanggang alas-8 ng gabi ay naguuwian na ang ilang kongresista kaya nawawalan na ng quorum.

Sumulat na rin si Rodrigiez kay Pangulong Aquino na i-certify urgent ang Bangsamoro bill upang mas mapabilis ang pagpasa nito.

Sa takbo ng debate sa Kamara kumpiyansa ang kongresista na marami sa kanyang mga kasamahan ang boboto pabor sa Bangsamoro bill .

Ayon pa kay Rodriguez hindi nila opsyon sa ngayon ang pagkakaron ng special session dahil naniniwala siyang kung maikikipag-tulungan lamang ang mayorya ng mga miyembro ng kongreso ay kaya nila ipasa sa tamang panahon ang Bangsamoro bill.

Tags: ,