ACTO, maglulunsad ng transport holiday ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 7, 2015 (Monday) | 4171

ACTO Pres. Efren De Luna
ACTO Pres. Efren De Luna

Maglulunsad ngayong araw ng transport holiday ang Alliance of Concerned Transport Organization o ACTO.

Ito ay bilang pagpapapakita ng protesta laban sa polisiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na naglalayong i-phase out ang mga pampasaherong jeepney na nasa 15 taon na.

Batay sa naturang polisiya ng LTFRB, simula January 16, 2016 hindi na maaaring mag-renew ng prangkisa ang mga jeepney operator kung ang kanilang mga jeep ay nasa 15 taon na o mahigit.

Paliwanag ni ACTO president Efren De Luna, maraming mga jeep na bumibiyahe sa mga lansangan ang nasa 15 taon na o higit pa ngunit nasa maayos pa namang kondisyon kaya nais ng grupo na linawin muna ng LTFRB ang ‘criteria’ bago tuluyang ipatupad ang pag-phase out ng mga jeep.

Dapat aniya magkaroon muna ng dayalogo sa pagitan ng mga operators at ng ahensya upang malinawan ito bago ipatupad ang phase-out policy.

Tags: , ,