ACT sa DEPED, alisin ang 15-day cap service credits ng mga guro                                 

by Radyo La Verdad | June 29, 2023 (Thursday) | 4616

Hinikayat ng Alliance of Concerned Teachers ang Department of Education (DEPED) na alisin ang ang labinlimang araw na cap sa service credits.

Ayon sa grupo, marami sa kanilang mga miyembro ang nanghihinayang dahil hindi na nakukuha ang karampatang kabayaran sa kanilang pag-o-overtime sa trabaho.

“Kasi maraming teacher na thank you na lamang, ty na lamang ‘yung kanyang mga sobrang pagtatrabaho sa loob ng mga paaralan,” pahayag ni Vladimir Quentua, President, ACT-NCR.

Batay sa DEPED order no. 53, 2003, entittled ang mga guro na magkaroon 15-day service credits sa loob ng isang taon, at maaari itong gamitin kung sila ay liliban sa trabaho dahil sa ibat ibang kadahilanan. Pero hindi na ito dapat lumagpas pa sa labing limang araw.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang DEPED sa kahilingan ng  mga guro.

Tags: