Naghain na ng show cause order ang Senate Blue Ribbon Committee laban sa hindi pa pinapangalanang accountant ng Philrem, matapos imbestigahan ang messenger na si Mark Palmares.
Bagaman sinabi ng Chief Executive Officer ng Philrem na si Salud Bautista na nag-resign na ang kanilang accountant, iginiit pa rin ng senado ang pagharap nito sa pagdinig.
At kung hindi ito makakapagbigay ng sapat na dahilan sa hindi pagsipot sa hearing ay maaari itong ma-contempt.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senator Teofisto Guingona, kabilang sa iimbestigahan nila ay ang financial records ng naturang remittance company.
Una nang inamin ng dating RCBC Jupiter Branch Manager na si Maia Deguito sa pagdinig na siya ang nagrefer ng Philrem sa junket operator na si Kam Sin Wong kung saan papapalitan ang 81-million US dollar laundered money.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: $81-million money laundering activity, Accountant ng Philrem, Senado