Pinasalamatan ni Pagulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs sa accomplishments ng ahensya sa loob ng pitong buwan.
Sa mensahe ng pangulo sa pagdiriwang ng ika- isang daan at labing limang founding anniversary ng BOC, sinabi nito na isang malaking bagay na mataas na koleksyon ng ahensya noong Novermber 2016.
Isa aniya itong magandang senyales sa ahensya na nakakasunod ito “transformational change” ng Duterte Administration.
Hinikayat din ng Pangulong Duterte ang empleyado ng BOC na humanap pa ng paraan upang mapaunlad ang kanilang operasyon laban sa illicit trade at border control upang patuloy na maabot ang revenue at collection target ngayong taon.
Ayon pa sa pangulo ang hakbang ng ahensya upang masugpo ang korupsyon at malabanan ang smuggling ay maaaring makabangga sa kanilang mga kasama sa trabaho nguni’t hindi ito dapat dahilan upang mapigilan sila lalo na’t ito ay upang maitama at mapanagot ang mga tiwali sa BOC.
Iprinisinta naman kanina ni Deputy Commissioner Edward James Dy Buco ang accomplishments ng ahensya kabilang dito ang anti-illegal drug campaign kung saan sa loob ng pitong buwan ay nakakompiska ang BOC ng tinatayang P1.266 billion na halaga ng iba’t-ibang droga.
Ipinagmalaki rin nito ang on-line streaming ng ahensya kung saan makikita ang realtime na nangyayari sa loob nito.
Sa mensahe naman ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon, bahagi ng programa ng ahensya ngayong taon ang pag-restructure sa organisasyon.
Sa pagtatapos ng talumpati ng pangulo sinabi nito na ipagpatuloy ng ahensya ang paglilinis sa kanilang hanay upang tuluyan ng mawala ang korupsyon.
Nagbitaw din ito ng pangako sa mga emplayado na tataasan niya ang sahod ng mga ito bilang konsolasyon sa pakikipagtulungang malabanan ang korupsyon.
(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)
Tags: Accomplishments ng BOC sa loob ng pitong buwan, pinuri ni Pangulong Duterte