Umabot na sa isang libo tatlong daan ang natukoy ng Department of Public Works and Highways o DPWH na accident prone areas sa buong bansa.
Ayon kay DPWH Undersecretary Raul Asis, gumamit ang ahensiya ng equipment para ma-survey ang may labing walong libong kilometro na kalsada kay natukoy ang isang libo tatlong daang black spots o accident prone areas.
Giit naman ni Asis na inaayos na ng kanilang ahensya ang mga nasabing accident prone area sa ilalim ng accident reduction program na popondohan ng 2.4-billion pesos sa loob ng tatlong taon.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com