METRO MANILA – Bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Surigao Del Sur Kahapon (Feb. 23) upang personal na alamin ang sitwasyon ng mga lubhang naapektuhan ng bagyong auring sa Caraga Region.
Nagsagawa ito ng aerial survey sa mga lugar na tinamaan ng bagyo kasama ang dating top aide na si Senator Bong Go Bago Isagawa ang situational briefing.
Ayon sa punong ehekutibo, mahalagang matiyak ang access sa pagkain, tubig at tirahan ng mga apektadong residente.
“The pressing problem really is itong pagkain. What I have really experienced, all these years being mayor of Davao City for almost 23 years… hindi tayo, mga dumaan sa local, medyo sanay tayo. Hindi tayo dehado. Basta ganun, pagkain, shelter, and tubig. Yan ang important talaga yan ang tubig,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development, nakapagprepositioned at nakapagkaloob na ng family food packs para sa mga apektadong residente.
May P22.09 -M ding halaga ng standby funds at stockpiles sa caraga at P459-M namang quick response funds sa central office.
Pinatitiyak naman ng punong ehekutibo ang mabilis na relief at rehabilitation efforts sa mga komunidad na sinalanta ng bagyo.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Bagyong Auring