Abu Sayyaf Group, nagbigay ng bagong deadline sa ransom para sa mga natitirang dayuhang bihag

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 1217

Bgen.-Restituto-Padilla-Jr.
Anim na raang milyong piso ang hinihingi ng Abu Sayyaf Group kapalit ng pagpapalaya sa Canadian hostage na si Robert Hall at Norwegian na si Kjartan Sekkingstad.

Sa bagong video na inupload ng teroristang grupo, makikita si Robert Hall na umaapela ng tulong.

Kasabay nito, nagbanta ang asg na papatayin sina Hall at Sekkingstad oras na hindi maibigay ang hinihingi nila pagsapit ng alas tres ng June 13.

Ayon sa AFP, kinakailangan pang i-validate at suriin ang panibagong video na ito ng Abu Sayyaf.

Samantala, hindi naman apektado ng panibagong video at deadline ang ginagawang focused military operations ng Armed Forces of the Philippines sa Sulu upang tugisin ang grupo at mailigtas ang mga bihag nito.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla Jr., matapos ang pambansang halalan, mas mapapaigting pa ngayon ng militar ang paghabol sa teroristang grupo.

Noong April 25, pinaslang ng ASG si John Ridsdel, isang Canadian hostage matapos na hindi maibigay ang hinihinging 300 million pesos ransom.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: , , ,