Absentee voting ng mga pulis, magsisimula na bukas

by Radyo La Verdad | April 29, 2019 (Monday) | 4900

MATRO MANILA, Philippines – Isasagawa na bukas, April 30, 2019 ang absentee voting para sa mga pulis sa Kampo Crame na hindi makaboboto sa May 13 dahil naka duty.

Ang absentee voting ay isasagawa sa Multi-Purpose Center sa Kampo Crame mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon.

Ayon kay PNP Chief PGen. Oscar Albayalde, nasa mahigit apat na libo ang pulis ang boboto bukas kung saan nasa 162 ang magmumula sa Kampo crame at sa isa sa Quezon City Police District.

Ang mga pulis na boboto bukas ay nakatalaga sa Directorial Staff Offices, National Support Units at Police Station 2 ng QCPD.

“Ang pagboto sa eleksyon ay hindi lamang karapatan kundi tungkulin ng bawat mamamayan, partikular ng mga pulis na tagapagtaguyod ng honest, orderly at peaceful elections,” wika pa ni Albayalde.

Lea Ylagan | UNTV News

Tags: , , ,